Thursday, October 17, 2013

Bespren Ko Doon

Thursday, October 17, 2013


“Sinong bespren mo doon?”

“Syempre ikaw lang!”

Haha! Remember this? This is why your name  in my phone has always been “bespren ko doon”.

Now, it’s been what? 7 years? 8? Can’t remember the last time we met. But the memories of our friendship will always be vividly remembered.


Yung pagsakal mo sa’kin pag nagpapasaway ako. And then I act like dying. Haha!

Yung pagbatok mo sa’kin pag nag-iinom ako. Batang lasenggera, plus ako ang tanggera.
Yung hatid at sundo pag gala mode tayo, plus pagpapaalam sa tatay kong istrikto.

Yung pagbili ng softdrinks o kaya ice tubig pag uhaw na uhaw na ko kakatili sa basketball court. Pero hindi naman ikaw ang chini-cheer ko :D
Yung pang-aaway mo sa’kin pag may sikreto akong hindi sinasabi sayo.

At yung pag-iyak ko sa bawat pang-aaway mo.



Oo, lahat yun tandang tanda ko. Kasama lahat ng regalo mo. Pero sa tagal ng panahon, wala ng naiwan ni isa man sakanila. Kasama na rin ng alaala mong unti-unti nang nabubura.


Sinadya kong limutin ka. Pinilit ko. Kung merong isang parte ng buhay ko na ginusto kong mabura, yun ay nung naging kaibigan kita. Ikaw naging kuya ko habang hindi ko ramdam ang pagiging kuya nila. Ikaw ang naging tatay ko habang hindi ko siya nakikita. Mula kinder hanggang high school, andyan ka. Pero bakit kailangang magbago? Oo alam kong hindi mo yun sinasadya. Pero wala rin akong magagawa, hanggang kaibigan lang talaga. Mahal kita. Bestfriend kita eh. At hanggang dun lang yun. Pasensya na talaga.

Ngayon, tanggap ko na. Tanggap ko na hanggang alaala na lang kita. Ikaw ang nag-iisang bespren ko doon. Dahil ngayon, meron na kong “bespren dito”. Dito. Dito sa kung saan ako ngayon. Dito. Dito sa puso ko. Haha.

October 7. Lagi kitang naaalala. Sana masaya ka. Sana okay ka na. Miss na kita. Pero hindi naman sobra. Yung sakto lang. Haha.

So pano, HAPPY BIRTHDAY nalang! Ingat ka. Kahit na alam kong hindi mo to mababasa. Sabagay, ipagdadasal nalang kita J





P.S.

Sinong bespren mo doon? J




0 comments:

Post a Comment

 
◄Design by Pocket